Quomodo Desolata Es? Isang Dalamhati
Ang pagbabalik sa entablado at muling pagsilang ng klasikong dula ni Nick Joaquin na A Portrait of the Artist as Filipino
Isinalin at bingyan ng bagong-hubog nina Jerry Respeto at Guelan Varela-Luarca, at sa direksyon din ni Varela-Luarca, ang dulang ito ay isang lamentasyon na dumadaloy sa pagitan ng alaala at ngayon, ng panitikan at pagkamakabansa.
Quomodo Desolata Es? — isang tanong ng pananabik, ng kawalang-katiyakan,
ng pagkalugmok — na sinasagot sa pamamagitan ng isang dalamhati na puno ng
dignidad, paninindigan, at pagmamahal sa bayan at sining.
Itatanghal ang dula sa darating na Agosto 2025 sa Hyundai Hall, Areté, Ateneo de Manila University. Sa gitna ng nagbabagong panahon, ang Quomodo Desolata Es? Isang Dalamhati ay paanyaya na balikan ang ating pinag-ugatan at itanong muli: Ano ang halaga ng alaala? Ng obra? Ng pananatili?
Mga Detalye ng Pagtatanghal:
- Pamagat: Quomodo Desolata Es? Isang Dalamhati
- Halaw mula sa: A Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin
-
Petsa ng Pagtatanghal:
Agosto 8, 14, 15 (7:30 ng gabi)
Agosto 9, 10, 16, 17 (2:30 ng hapon at 7:30 ng gabi) - Lugar: Hyundai Hall, Soledad V Pangilinan Arts Wing, Areté, Ateneo de Manila University
- Presyo ng Tiket: Php 1,499 (Premium) | Php 999 (Regular)
- Mabibili sa: https://arete.helixpay.ph/
Mapapanood ang mga batikang artista sa tanghalan na binubuo nina:
Gab Pangilinan
Delphine Buencamino
Omar Uddin
Brian Sy
Vino Mabalot
Maita Ponce
Mika Regis
Jethro Tenorio
Meyanne Plamenio-Cortezano
John Sanchez
JJ Ignacio
Rafael Jimenez
Roldine Ebrada
at Chantei Cortez
Pangkat Artistiko:
Direksyon – Guelan Varela-Luarca
Koreograpiya – Ronelson Yadao
Dramaturhiya – Gian Carlo Abrahan
Set at Props – D Cortezano
Ilaw – Jethro Nibaten
Kasuotan – Ali Figueroa
Tunog – John Robert Yam
Musika – Mathew Chang
Intimacy Direction – Missy Maramara
Disenyong Pang-grafiko – Jed Descutido
Ang Portrait ay unang itinanghal ng Barangay Theater Guild noong 1955 sa
Aurora Gardens, Intramuros. Sa paglipas ng mga dekada, ito ay naging batayan
ng kontemporaryong teatro Pilipino.
Ngayong 2025, pitumpung taon mula nang una itong mapanood, muling itataas
ang telon — dala ang bagong wika, bagong anyo, at bagong pananaw.
Isang sining na mula sa nakaraan, handog sa kasalukuyan.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay:
Janelle Audrey Camon
Theater and Events Officer
632 8426-6001 (local 5378)
arete@ateneo.edu
Areté, Ateneo de Manila University
Latest Events
Lecture / Talk / Discussion
Navigating AOM Submissions: The Annual Meeting and Journals
Mon, 23 Nov 2026
Thesis / Dissertation Defense
Proposal Defense of Emrick James A. Panganiban, Christian Rey S. Paraan, and Ada Jemina T. Plata
Wed, 25 Nov 2026
Lecture / Talk / Discussion
An Indictment of Spanish Colonialism: The French Translation of Jose Rizal’s First Novel (1899)
Wed, 25 Nov 2026
Thesis / Dissertation Defense
Proposal Defense of Deanne Gabrielle D. Algenio, Vince Dexter Y. Ang, and Josh Tiffton M. Bolipata
Thu, 26 Nov 2026