SIGLA Youth Summit 2025
𝗠𝗮𝘀 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸, 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴𝗸𝗮𝗱, 𝗮𝘁 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮!
Kasabay ng ika-11 anibersaryo ng Baybayin Ateneo ngayong Marso, bubuksan ng samahan ang SIGLA Ateneo Cultural Convention sa mas malawak na populasyon. Malugod naming inihahandog ang SIGLA Youth Summit 2025 para sa mga mag-aaral sa high school!
Ilulunsad sa ika-22 ng Marso, sasalubungin natin sa Youth Summit ang mahigit 100 kabataan mula Luzon, maging Mindanao, na sasamahan tayong makinig at tumindig sa ngalan ng kulturang Pilipino at makabayang kamalayan. Tampok ang mga paksa, kuwento, at isyu sa kultura, wika, tradisyon, katutubong pangkat, panitikan, at pagkamamamayang Pilipino kasama ang mga kapita-pitagang panauhin, bibigyang-buhay ng Youth Summit ang tema ng SIGLA 2025 na, "Kabataang Pilipino: Tuon ang Bayan, Tanglaw ng Kinabukasan."
Kitakits sa Sabado!
#BaybayinSIGLA2025
#SIGLAKabataan
#MakinigTumindig
Katuwang ang:
Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila
Sponsored ng:
Marco Polo Ortigas Manila
Kasama ang:
SOH Sanggunian
SOSS Sanggunian
Pasasalamat sa:
Rizal Library
Office of Student Activities - Ateneo
Ateneo de Manila Communication Department
History Department, Ateneo de Manila University
Ateneo Department of Interdisciplinary Studies
Ateneo Modern Languages Department
Ateneo Fine Arts Department
Literary and Cultural Studies Program
Office of the Dean, School of Humanities
Paskil ni Jaica Aguilar
— with Marco Polo Ortigas Manila