October Medal and Eucharistic Celebration
In our school, everyone gets a medal.
It’s that month of the year again when members of the Ateneo community wear the Miraculous Medal which bears the image of the University’s patroness, Mama Mary. This practice shows our belief that our Mother comes to our aid, gives us comfort and brings us closer to her Son.
To properly begin this tradition for 2024, let us celebrate together the Holy Eucharist on 1 October 2024 (Tuesday), 12noon at the Church of the Gesù. Father Bienvenido Nebres, SJ will be our presider and homilist.
Confessions and the praying of the Rosary will start at 1130AM. October Medals will be blessed and distributed after the Mass.
Thank you very much!
Sa aming paaralan, nagkakamit ng medalya ang lahat.
Buwan na naman ng Oktubre kung kailan nagsusuot ang mga miyembro ng komunidad ng Ateneo ng Medalya Milagrosa na may imahe ng patrona ng pamantasan, si Inang Maria. Ipinapakita ng gawaing ito na naniniwala tayong ang Birheng Maria ay nagkakaloob sa atin ng tulong, nagpapanatag ng ating kalooban at naglalapit sa atin sa kanyang Anak.
Upang simulan itong tradisyon para sa taong 2024, magdiwang tayo ng Banal na Eukaristiya ngayong ika-1 ng Oktubre 2024 (Martes), alas-12NT, sa Simbahan ng Gesù. Si Padre Bienvenido Nebres, SJ ang ating tagapamuno.
Ang kumpisal at pagdarasal ng Rosaryo ay magsisimula ng 1130NU. Babasbasan at magbibigay ng October Medal matapos ang Misa.
Maraming salamat!
#ateneoishome #comehometothegesu #pause&praywithOCM