Baguntao: Epiko ng Kabataan
Iniimbitahan kayo ng AJHS Teatro Baguntao, kasama ang Asignaturang Filipino, Arnis Society, at Sanggu SSC-Creatives, sa kanilang pangwakas na produksiyon ngayong taon na pinamagatang:
BAGUNTAO: EPIKO NG KABATAAN
Halina't saksihan ang pagsasalaysay ni Boyet ng isang kuwento ng magkapatid na nakikipagsapalaran sa sinaunang Pilipinas upang hanguin ang kanilang ama sa daigdig ng mga yumao.
Sa panonood ng dulang ito, halina't pagmunihan ang mga agam-agam na hinaharap ng kabataan - ang kamatayan, ang pag-ibig, at ang kapalaran.
Mapapanood po ninyo ang palabas sa HAYES HALL, at ang mga araw ng palabas ay sa Abril 12, 16, 18, 19, 4:30 - 6PM; at Abril 13, 10:30 AM at 4:30PM




Maraming salamat po sa inyong pagsuporta sa sining ng pagtatanghal!