Book Launch—Despite the Distance: A Book-Journal to Reflect on the Pandemic
These days seem like we are back to the way things were before the pandemic, except for the fact that we are still wearing our facemasks. As we ease into the new normal, there may be an invitation to revisit the past two years - not to wallow or despair, but to gather the learnings so we can move forward better.
Despite the Distance: A Book-Journal to Reflect on the Pandemic was born out of this desire to harvest meaningful lessons. It is a collection of some of the reflection articles posted by the Office for Mission and Identity from March 2020 to November 2021. At the same time, several questions and space for reflection are included to encourage introspection.
We would like to invite you to its launch to be held on
21 September 2022, 3:30pm at the Matteo Ricci Room C.
This will also be streamed via Radyo Katipunan.

Join us to hear from Fr Ro Atilano SJ, Fr Nono Alfonso SJ and Fr Bobby Yap SJ, to listen to a few of the articles being read, and to reflect for a few moments on the experiences brought forth by the pandemic.
#DespitetheDistance #PandemicReflections
Ngayong mga araw na ito, tila nakabalik na tayo sa ating mga nakagawian bago ang pandemya maliban sa patuloy na pagsusuot natin ng facemask. Habang tinatahak natin ang new normal, marahil may paanyayang balikan ang nakalipas na dalawang taon – hindi upang malugmok o mawalan ng pag-asa, ngunit upang tipunin ang mga aral para makausad tayo nang mas mabuti.
Bunsod ang Despite the Distance: A Book-Journal to Reflect on the Pandemic
ng pagnanasang anihin ang mga makabuluhang maaaring matutunan. Koleksyon ito ng ilan sa mga artikulong inilabas ng Office for Mission and Identity mula Marso 2020 hanggang Nobyembre 2021. Nilakipan ang iba sa mga ito ng tanong at puwang para sa pagninilay upang makahimok ng pagmumuni-muni.
Inaanyayahan namin kayo sa paglulunsad nito na gaganapin sa
Ika-21 ng Setyembre 2022, 3:30 ng hapon sa Matteo Ricci Room C.
Mapapanood din ito sa pamamagitan ng livestream sa Radyo Katipunan.
Samahan niyo kami at pakinggan sila Fr Ro Atilano SJ, Fr Nono Alfonso SJ at Fr Bobby Yap SJ, pagbasa ng ilan sa mga inilathalang pagninilay, at upang makapagmuni ng ilang sandali sa mga karanasang idinulot ng pandemya.
#DespitetheDistance #PandemicReflections

The book is now available. For orders, you may visit jescom.ph/josh, email sales@jescom.ph, or call/text 0929-864-9010
