Skip to main content
Main Secondary Navigation
  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • Giving
  • News
  • Events
Main navigation
  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • Events >
  • [Book Talk] Ang Pagbuo ng Kartograpiya

Other Event

[Book Talk] Ang Pagbuo ng Kartograpiya

Online

     07 Sep 2022 05:00 pm - 07 Sep 2022 06:00 pm

Book talk: Ang Pagbuo ng Kartograpiya

Paano nga ba nabuo ang aklat ng mga tula ni Ralph Fonte na Ang Kartograpiya ng Pagguho? Nauna ba ang mga tula sa mga guhit na kabilang sa aklat? O nauna ba ang mga guhit bago isulat ang mga tula? O marahil, nauna kaya ang "pagguho" bago pa mang subukang buuin ang Kartograpiya?

Ano pa man, nais naming usisain ang manggagamot, manlalakbay, at makatang si Ralph Fonte kasama ang mga gumuhit ng obra sa aklat na sina Jem Magbanua at Zeke Cancio tungkol sa napakaganda at napakayamang ugnayan ng sining at panitikan.

Kasama si Yol Jamendang ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila, samahan ninyo kami sa ika-7 ng Setyembre, 5:00 ng hapon sa aming Facebook Live. Abangan ito sa Facebook page ng Ateneo de Manila University Press. 

 

Book Talk: Ang Pagbuo ng Kartograpiya
Tunghayan ang Book Talk para sa pinakabagong aklat ng mga tula na inilathala ng Ateneo University Press, Ang Kartograpiya ng Pagguho, ngayong Setyembre 7, 2022, 5:00 ng hapon sa Facebook page ng Ateneo University Press
 
Mga Tagapanayam

Si Ralph Fonte ay isang makata, manggagamot, at manlalakbay. Nailathala na, o nakatakda nang ilathala, ang kanyang mga akda sa iba’t ibang publikasyon tulad ng The Mekong Review, Cordite Poetry Review, TLDTD, TOMÁS, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, at iba pa. Nakapagwagi na rin sa ilang mga patimpalak, tulad ng Gawad Carlos Palanca at Gawad Maningning Miclat, ang kaniyang mga tula, samantalang hinirang naman siyang kauna-unahang Tanghal-Makata ng Taon sa Performatura Literary Festival, taong 2019. Siya ang kasalukuyang patnugot sa tula ng Ilahas, isang bagong literary journal sa internet.

Nakuha ni Jem Magbanua ang kanyang degree sa Fine Arts mula sa Lasalle College of the Arts Singapore, First Class. Siya rin ay nakatanggap ng 2013 Winston Oh Travel Award at nagtapos ng ilang artist residencies sa Japan kasama ang Itonami Air Program, Daisen Animation Project, at Studio Kura. Ang mga obra niya ay nakasama na ilang solo at group exhibitions sa Pilipinas, Estados Unidos, Japan, Taiwan, at Singapore.

Si Zeke Cancio ay kumukuha ng inspirasyon mula sa mga natural na imahe at pagbuong heolohikal habang mausisang sumusubok ng iba’t ibang materyal sa pagpipinta at pag-uukit. Noong 2016, natanggap niya ang kaniyang bachelor’s degree sa pagpinta mula sa University of the Philippines, College of Fine Arts, kung saan nagtapos siya bilang cum laude. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Quezon City at nagtuturi ng sining.

Si Yol Jamendang ay guro ng Panitikan at Kulturang Popular sa Kagawaran ng Filipino, Pamantasang Ateneo de Manila. Kasama rin siya sa mga host ng programang Sari-sari: Panitikan at Kulturang Filipino sa Radyo Katipunan 87.9 FM. 

 

Tungkol sa aklat

Ang Kartograpiya ng Pagguho ay kuwento ng bigong pag-ibig sa apat na yugto. May iniiwan umanong bakas ang bawat pagdaraop. Sa gayon, tungkol din ang koleksiyon sa iba’t ibang paglalakbay at lunan, sa bawat sandaling nag-uumapaw ang damdamin sa katawan at nag-uukit ng alaala sa iniiralang sandali at lunan. Subalit hindi lamang gunita ang Kartograpiya kundi isa ring liham ng pag-ibig sa lahat ng nawaglit: mga taong minahal, mga iniwanang lugar, ang buong daigdig nating nasusunog sa bingit ng pagguho. Mga limot na bayan. Mga lumulubog na pulo. Mga basyo ng punglo. Bahagyang luksampati at bahagyang paluwalhati, tangka nitong imapa ang pagguho ng mundo sa iba’t iba nitong anyo, maging ang pagbalong ng rilag sa lahat ng pagkabigo. Sa lahat ng pag-ibig kahit nabigo. Sa lahat ng guho. Hindi dahil alindog lagi ang paglalaho kundi dahil minsan tayong nagmahal at minsan nitong binago ang mapa ng mundo.

General Interest Arts Design Filipino and Philippine Studies Journalism, Media, and Communication Languages and Literature Administration Cluster
Share:

Latest Events

Academic Conference

Save the Date: MICROCASA Conference Set for February 2026

Tue, 03 Feb 2026

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001