Baka Naman Pwede? - Wikang Filipino, Wikang Inklusibo?

Sa episode na ito, ating tatalakayin kung gaano ka-inklusibo ang Wikang Filipino. Nais din nating mapagkwentuhan kung sa paanong paraan nagiging instrumento ng panlipunang pagkakaisa o kasangkapan ng panlipunang dibisyon ang ating pambansang wika. Makakasama natin ngayong Huwebes sina Gg. Vincent Christopher Santiago mula sa Kagawaran ng Linggwistika ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman at Gng. Monica Fides Amanda Santos mula sa Kagawaran ng Agham Tao ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. Ang tagapagpadaloy natin para sa episode na ito ay si Gg. Ariel Diccion mula sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila.
Live streaming on fb.com/AteneoIPC
Simulcast via youtube.com/radyokatipunanfm
and audio streaming at jescom.ph/radyo-katipunan
Samahan niyo kami at makilahok sa aming usapan dito sa Baka Naman Pwede!
Ang Baka Naman Puede? (BNP) ay isang programang panradyo ng Institute of Philippine Culture (IPC) ng Pamantasang Ateneo de Manila sa pakikipagtulungan ng Radyo Katipunan 87.9 FM. Naglalayon ang programang ito na pagnilayan ang mga napapanahong isyu gamit ang lente ng agham panlipunan o social sciences. Nais din nating mapag-usapan ang mga bagay na baka naman pwede nating tingnang muli, pag-ukulan ng pansin at aksyunan.