Baka Naman Pwede? - Pagbuo ng Kaalaman at Kakayanan Gamit ang Wikang Filipino

Sa episode na ito, ating tatalakayin ang kahalagahan ng pagtuturo at pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino sa iba't-ibang antas ng edukasyon. Nais ding pag-usapan sa episode na ito ang mga karanasan ng mga guro sa pagsusulong ng paggamit at pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Makakasama natin ngayong Huwebes sina Gng. Corazon Lalu-Santos mula sa Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila at Gng. Ani Rosa Almario mula sa The Raya School. Ang tagapagpadaloy natin para sa episode na ito ay si Gg. Jethro Nino Tenorio mula sa Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila.
Live streaming on fb.com/AteneoIPC
Simulcast via youtube.com/radyokatipunanfm
and audio streaming at jescom.ph/radyo-katipunan
Samahan niyo kami at makilahok sa aming usapan dito sa Baka Naman Pwede!
Ang Baka Naman Puede? (BNP) ay isang programang panradyo ng Institute of Philippine Culture (IPC) ng Pamantasang Ateneo de Manila sa pakikipagtulungan ng Radyo Katipunan 87.9 FM. Naglalayon ang programang ito na pagnilayan ang mga napapanahong isyu gamit ang lente ng agham panlipunan o social sciences. Nais din nating mapag-usapan ang mga bagay na baka naman pwede nating tingnang muli, pag-ukulan ng pansin at aksyunan.