Pagtatapos sa Nakababatang Mataas na Paaralan 2022 (Palatuntunan para sa Cardoner cluster)
Malugod kayong inaanyayahan ng Pangulo ng Pamantasan at ng Punong-guro at Kaguruan ng Nakababatang Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila sa
Pagtatapos 2022
para sa mga mag-aaral ng Ika-10-Baitang
Ito’y gaganapin sa ika-25 at ika-26 ng Hunyo 2022 sa Ateneo Junior High School Covered Courts.
Ang palatuntunan para sa mga magtatapos mula sa Cardoner cluster ay gaganapin sa Sabado, ika-25 ng Hunyo 2022, sa ganap na alas-otso ng umaga.
Ang mga hindi makakadalo sa seremonya ay maaaring manood ng livestream sa ateneo.edu/pagtatapos.