Sa Paghanga: Panimulang Kurso sa Filipino Fan Studies (Lecture 4)
Abangan ang pagpapaskil sa Sabado (7 Mayo 2022 sa ganap na 10:00 NU) ng ikaapat na master lecture ni Dr. Lori Morimoto tungkol sa penomenon ng paghanga. Iinog sa usapin ng TRANSFORMATIVE PRACTICES, kilalanin natin ang samo’t saring produksyong kinasasangkutan ng fans tulad ng fan fiction, fan art, at fan vid.
Nakapaloob ang lektura bilang kaugnay na proyekto ng asignaturang “Sa Paghanga: Panimulang Kurso sa Filipino Fan Studies” na naging posible sa pakikipagtulungan ng Opisina ng Dekano ng mga Paaralang Loyola.
Mapapanood and lecture sa Facebook ng Kagawaran ng Filipino.