Pabasa sa Pandemya
Isang proyekto ito na isinakatuparan ng Kagawaran ng Filipino, Paaralan ng Humanidades, Pamantasang Ateneo de Manila noong 2021 bilang pag-aangkop sa pamamaraang online ng tradisyong Pabasa tuwing Semana Santa. Anim na episodyo na tigsasampung minuto ang ipinalabas araw-araw noong Semana Santa 2021. Kinatampukan ang bawat episodyo ng pag-awit ng piling bahagi ng Mahal na Pasyon ni Gazpar Aquino de Belen at/o ng Kasaysayan ng Pasyong Mahal na kilala rin bilang Pasyong Pilapil at ng maikling pagtalakay ng isang guro mula sa Kagawaran ng Filipino:
I. Ang Pasyon at ang Komunidad
May pagtalakay ni Ariel Diccion
II. Kapangyarihan at Awtoridad
May pagtalakay ni Sharmaine Hernandez
III. Imahen ng Babae at Ina sa Pasyon
May pagtalakay ni Andrea Anne Trinidad
IV. Hinggil sa Diskurso ng Katapatan
May pagtalakay ni J. C. Gloria
V. Hinggil sa Pagtingin at Pakikiramay
May pagtalakay ni Ariel Diccion
VI. Paninindigan sa Katotohanan
May pagtalakay ni Jethro Tenorio
Pinag-isa sa muling-paglalathalang ito ang nabanggit na anim na episodyo upang matunghayang buo ng sambayanan ngayong Biyernes Santo, 15 Abril, 11:00 ng umaga. Isang pakikiisa ito sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan 2022.
Lalong maging mapagmuni nawa ang ating Semana Santa at higit na maging makabuluhan din ang sasapat na Pasko ng Muling-Pagkabuhay.
Mapapanood ang Pabasa sa Pamdenya sa Facebook ng Kagawaran ng FIlipino.