Sa Paghanga: Panimulang Kurso sa Filipino Fan Studies (Lecture 2)
Muli nating makakasama para sa isang pampublikong lekturang nakatuon sa mga usapin ng #FanStudies si Dr. Lori Morimoto ng Department of Media Studies, University of Virginia.
Matapos maglatag ng pambungad sa akademikong pag-aaral ng larang sa kaniyang lekturang “The Origins of Fan Studies: Key Figures, Key Concepts, and Landmarks” (mapapanood sa https://www.facebook.com/kagawaran/videos/698927077776543), nakasentro naman ang ikalawang talakayan sa mga tungkulin at responsabilidad ng mga iskolar na kinikilala rin ang kanilang mga sarili bilang tagahanga.
Abangan ang premiere ngayong Sabado, 10:00 N.U. Mapapanood ang lecture sa Facebook ng Kagawaran ng Filipino.