Sa Paghanga: Panimulang Kurso sa Filipino Fan Studies (Lecture 1)
Abangan ngayong darating na Sabado (Pebrero 26, 10:00 NU) ang pagsasapubliko ng unang lektura ni Dr. Lori Morimoto ng University of Virginia na may pamagat na “The Origins of Fan Studies: Key Figures, Key Concepts, and Landmarks.”
Bahagi ang lektura ng serye ng mga master lecture na nakapailalim sa bagong lunsad na kursong “Sa Paghanga: Panimulang Kurso sa Filipino Fan Studies.” Proyekto ito ng Kagawaran ng Filipino sa pakikipagtulungan ng Opisina ng Dekano ng mga Paaralang Humanidades.
Mapapanood and lecture sa Facebook ng Kagawaran ng Filipino.