Misa para sa ika-100 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Sen Jose "Ka Pepe" W Diokno
Online
26 Feb 2022 06:00 pm
-
26 Feb 2022 07:30 pm
Inaanyayahan ng Paaralan ng mga Araling Panlipunan (SOSS), Kagawaran ng Agham Pampulitika, Kagawaran ng Kasaysayan, Ateneo Martial Law Museum (AMLM), at ng Ateneo Assembly ang lahat na dumalo sa isang Banal na Misa sa Sabado, ika-26 ng Pebrero 2022.
Gaganapin ang misa sa okasyon ng sentenaryo ng kapanganakan ni dating Sen Jose "Ka Pepe" W Diokno.
Si Fr Jose J Magadia SJ ang tagapagdiwang at tagapangaral ng misa.
Susundan ang misa ng isang maikling programa na pangungunahan ni Atty. Chel Diokno, ng Kagawaran ng Kasaysayan, at ng mga mag-aaral ng Paaralang Loyola.