Skip to main content
Main Secondary Navigation
  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • Giving
  • News
  • Events
Main navigation
  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • [Tinig] Examen Patungkol sa Traditiones Custodes

[Tinig] Examen Patungkol sa Traditiones Custodes

13 Sep 2021 | Aaron C. Reyes

Mainit na usapin sa mga Katoliko sa Estados Unidos ang motu proprio ni Papa Francisco na Traditiones Custodes na naglalayong ilagay sa kamay ng mga obispo ang pagpapahintulot sa pagdiriwang ng tinatawag na Tridentine Mass o Extraodinary Form. Ito ang anyo ng Misa bago ang kasalukuyang anyo (Novus Ordo, Ordinary Form) na bunga ng mga pagbabagong ipinanukala ng Vatican II. Bagamat mas matunog ang usaping ito sa nasabing bansa, may mga Pilipinong Katoliko rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nasabing dokumento.

Ayon sa dokumento ang pagpapalawig ng pagkakaisa sa Simbahan na nilalayon ng naunang pahintulot (motu proprio: Summorum Pontificum, 2007) ng papa emerito, Benito XVI, ay tila ba nakompromiso. Sa pananaw ng Traditiones Custodes, tila ba nagpalala ang pahintulot ng papa emerito sa sentimyento ng mga Katolikong ayaw sumunod sa mga reporma ng Vatican II. Ang isa sa mga pagbabago na madalas batikusin ng mga ito ay ang karaniwang anyo ng Misa kung saan ang wikang ginagamit ay katutubo at ang pari ay nakaharap sa mga tao.    

May mga naniniwalang nabawasan o nawala raw ang pagiging sagrado ng pagdiriwang; may mga naniniwala rin na impluwensya umano ang bagong anyo ng mga heretikong pananaw na nakapasok umano sa simbahan. Sabi naman ng iba, mas marami raw ang bumalik sa simbahan dahil sa pagdiriwang ng Extraordinary form. Sa panig naman ng karaniwang anyo, may mga nagsasabing mas naunawaan nila ang mga nagaganap sa Misa. Mas nabibigyang pansin din umano ang Bibliya dahil sa mas maraming bahagi na nito ang nababasa dahil sa bagong leksyonaryo (ang aklat na naglalaman ng mga teksto mula sa Biblia na binabasa sa Misa). Sa gitnang panig naman, may mga Katolikong naniniwala na kung ano ang anyo ng Misa ang mas nakatutulong sa paglago ng pananampalataya, malaya tayong piliin na iyon ang daluhan. 

Sa kasalukyuan, mainit ang bangayan ng magkabilang panig sa social media. Dahil dito, ang pagkakaisa ng mga mananampalataya na nilalayong isulong ng dalawang motu proprio ay tila mas lalong nalalagay sa alanganin. Sa mga ganitong panahon naaangkop ang pagtahimik at pag-atras para magsuri ng budhi. Para sa mga nagbabangayang panig iminumungkahi ko ang dalawang sumusunod na mga punto para sa examen.

Examen Patungkol sa Traditiones Custodes

Una, kung kaharap mo si Jesus ngayon at sinabihan ka niya na isuko ang pinakamamahal mong anyo ng Misa (Ordinary o Extraordinary), ano ang mararamdaman mo? Ang emosyon na maaaring lumabas dahil sa ganitong katanungan ay maaaring makatulong sa ating matukoy kung ano ang nagtutulak sa ating pahalagahan ang isang anyo ng Misa. Ito ba ay dahil sa pagmamahal sa Diyos? Sentimentality? Ego? Attachment? Nostalgia?

Pangalawa, ang iyong pinapanigan at pinahahalagahang anyo ba ay nagtutulak sa iyo na maging mapagmahal at bukas-palad sa kapwa. Kasi kung hindi, baka ito ang mga marinig nating salita mula sa Panginoon, “Namumuhi ako sa inyong mga handaan, hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon” (Amos 5:21). Hindi lang dapat ang dami ng taong bumabalik sa simbahan at ang kasarapan sa pakiramdam ang dapat gawing batayan. Dapat ring tingnan ang bilang ng “lumalabas” ng simbahan upang maglingkod sa kapwa.  Kasi sa bandang huli, ang Misa ay tinatawag na “misa” dahil sa dulo nito ang mga dumadalo ay binibigyan ng “misyon.” Ang sabi ng pari sa katapusan ng Misa,  “Ite, missa est – humayo ka, ikaw ay isinusugo.”

Tinig is a monthly opinion and analysis series from the School of Humanities. The views expressed in this piece are those of the author and do not necessarily represent the views of School of Humanities or the Ateneo de Manila University.

Education Religion and Theology Academics Mission, Identity, & Formation School of Humanities
Share:

Recent News

Testing Updating of Medical Record

16 Jul 2025

One Big Flight of the tiniest wings: AIS installs 16th pollinator pocket in Ateneo at the Grade School Complex

15 Jul 2025

RGL Hub examines the intersection of health and politics in Brown Bag Session

15 Jul 2025

Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 (College OHS Memo)

15 Jul 2025

AIS bridges climate change education through interactive workshop

15 Jul 2025

Fire stove project of DS majors receives 2025 ASCEND Excellence Award

15 Jul 2025

From vision to reality: 10 new homes turned over in German Village, GK Kalikasan, Cabiao, Nueva Ecija

15 Jul 2025

AJHS chess wizards Fua and Co help Team PH shine at 23rd ASEAN+ Age Group Chess Championships

15 Jul 2025

Join the Ateneo Art Gallery for an ArtSpeak session with Baguio artists at Ili-likha Artists Wateringhole this 24 July

14 Jul 2025

Application for Credit for the College Board’s Advanced Placement (AP) or International Baccalaureate Diploma Programme (IB DP) for the First Semester of SY 2025-2026 (OUR Memo)

14 Jul 2025

You may also like these articles

Eagle1

14 Jul 2025

Application for Credit for the College Board’s Advanced Placement (AP) or International Baccalaureate Diploma Programme (IB DP) for the First Semester of SY 2025-2026 (OUR Memo)

TO: Incoming First Year Students, School Year 2025-2026 FROM: (Sgd) Marlene M. De Leon, PhD University Registrar SUBJECT Application for Credit for the College Board’s

AIS introduces the culture and pedagogy of sustainability in Ateneo to new AGS teachers

14 Jul 2025

AIS introduces to new Ateneo Grade School teachers the culture and pedagogy of sustainability in Ateneo

Last 11 June 2025, the Ateneo Institute of Sustainability (AIS), through the Sustainable Development Goals (SDGs) Program, handled the sustainability education sessions in the Introduction

AIS conducts eco-anxiety workshop for ASHS faculty

14 Jul 2025

AIS conducts eco-anxiety workshop for ASHS faculty

In a world riddled with environmental issues and sociopolitical turmoil, there is both a recognition of the urgent need for collective action towards caring for

ALS_ITL2025_2

09 Jul 2025

Ateneo Law School opens Academic Year 2025–2026 with Introduction to Law

The Ateneo Law School formally opened the Academic Year 2025–2026 with the start of its Introduction to Law (ITL) program on 7 July 2025. More

Ateneo BS ITE Students

05 Jul 2025

Virtual support agent for the education sector powered by a large language model: BS ITE students' paper presented at the HCII 2025

Samantha Mae See, Stephanie Rayco, and Wolverix Skyler Yu, graduating students from the BS Information Technology Entrepreneurship (BS ITE), co-authored and co-presented a paper with

Last June 16-20, The Global Citizen Education Group, together with AIS, hosted the Ivy League Global Impact Summit

03 Jul 2025

Ivy League global impact summit for middle to high school students held in Ateneo

Last 16 to 20 June 2025, The Global Citizen Education Group, together with the Ateneo Institute of Sustainability (AIS), hosted the Ivy League Global Impact

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001